Hindi ko
alam kung paano ko ilalabas lahat ng nararamdaman ko. Maraming beses ko naring
ginawang takbuhan at takasan ang mga problema ko. Pero nakakasawa din ang
ganun. One minute okay ako, another minute broke na. Naging cycle na sa buhay
ko ang ganun. Ang hirap mag-isa, yung pakiramdam na ikaw at ikaw lang ang
makaka-intindi sa sarili mo. Dahil ikaw
yan e. Months ago, akala ko nakahanap ako ng friend na katulad din ng pag-iisip
ko. Pero later on, na-realize ko ilusyon lang ang paniniwala kong yun. Totoo na
hindi lahat ng tao maiintindihan ako o kung bakit ko ginagawa ito. Kahit ako
minsan hindi ko narin maintindihan. Problema sa bahay, kung saan dapat masaya
ang pamilya. Pero hindi ko maramdaman ang tinatawag na pamilya. May magsasabi
na baka nabubulagan lang ako sa karangyaan pero hindi. Wala akong pakialam sa
kayamanan, nalulungkot ako dahil puro pressure, frustration, uncontentment ang
nakikita ko. Sibukan kong magpaka- "optimistic", sinasabi ko sa
sarili ko na, "kaya mo yan, lilipas din yan walang problemang hindi
nasosolusyonan" at kung anu-ano pa. Pero bigla akong magigising sa
katotohanang ito ang realidad. Hindi lahat ng iperfection ay maitatama. What's
done is done. Minsan kailangan mong tanggapin na wala kang magagawa kundi ang
magtanong at magreklamo. Minsan may magagawa ka, pero andun parin ang marka na
naiwan. Dahil ang problema ko ay nasa loob ng bahay kaya naman isang naging
solusyon ang paghahanap ng atensiyon sa labas ng apat na sulok ng bahay.
Lumabas ako, nag-aral, naging aktibista, sinangkalan ang karapatan sa
pananalita na sinisikil pag nasa loob ako ng tahanan. Ninais kong maging
malaya. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan, napapatawa ko sila, naging isa
akong karakter na hinubog ng kalungkutan, pag-iisa at ng paligid na
ginagalawan. Naging kabaligtaran ako ng kinilalang tunay na katauhan, double
personality. OO, naging masaya ako. Wala naman akong ginagawang masama. Masaya
lang ako sa piling ng mga kaibigan at sa atensiyon. Napuno ako ng huwad na
ngiti, nakakapagpatawa ako, magaslaw, positive thoughts. Ginusto kong
magpakasaya, bahala na kung ano mangyari basta may limit parin. One minute
masaya ko, another minute baloyt na balot na ng kalungkutan dahil lahat ng ito
ay panandalian. Pagpasok ko ulit ng bahay, balik na sa normal. Pauli-ulit ang mga pangyayari, may problema
ako, aalisan ko, tatakasan ko, magpapakasaya ako, kakausap ako ng mga
interesting na tao, tapos ano, andun parin ang problema at the end of the day.
Hindi ba nakakasawa. Andun na ko sa katotohanang hindi ako isang superhuman na
hindi lahat ng problema ko ay gawa ko pero dapat kong solusyonan. Habang
tumatagal, lalong naiipon at lumalaki. Kumikilos naman ako para ayusin ang mga
problema pati ang isipan ko. Pero hindi nakikipagtulungan ang mga nasa paligid,
ang daming hadlang. Minsan natanong ko na sa sarili, "bakit ba nangyayari
ito? Sanggol palang ba ako may nagawa na kong mali?". At dahil pandalian
lang ang kasiyahang nadarama sa labas ng tahanan kaya naman ako na mismo ang
lilikha ng aking kasiyahan. Alternatibong paraan para sumaya, hindi lang basta
makalimot kundi magkaroon ng tunay na ngiti na walang alinlangan. Bumili ako ng
laptop, andito na lahat ng kakailanganin ko internet, games, movies, adobe at
kung anu-ano pa. Bumibili ako ng mga masasarap na pagkain, mga damit at kung
anong magustuhan ko puro materyal. Oo, sumasaya ako kahit mag-isa lang ako
basta kasama ko ang mga materyal na bagay na ito. Pero narealize kong
panandalian lang din ang mga ito, nawawala, naluluma, nasisira. Ang lupit
naman. Ano ba talaga ang kailangan ko? Ang Diyos, oo. Naalala ko ang kwento ni
Job sa Bibliya kailanman hindi niya kinwestyon ang Diyos. Isa akong makasalanan
at makasariling nilalang na puro sariling kasiyahan ang iniisp. Pero hindi lang
naman basta yun ang kailngan ko. Kasiguruhan, kapayapaan ng puso, isang tunay
na kaibigan, maliwanag na buhay. Hindi isang solusyon sakin ang
makipag-relasyon para punan ang kakulangan sa pamilya. Dahil ayaw ko ng
commitment. Isang tunay na kaibigan ang kailangan ko. Marami akong kaibigan,
nasasabihan ng problema, nakakasama sa kalokohan at iyakan, pero iniiwan din
naman ako. Hindi literal na iwan, ang hirap ipaliwanag. Nitong nakaraan, may
nakilala ako. Nakausap ko siya sa mga bagay bagay, merong kaunting tungkol sa
sarili niya, at kaunting tungkol sakin. Natuwa ako dahil kahit hindi ko siya
ganun kakilala e naging palagay ang loob ko makipag-usap sa kanya. Natutuwa
akong kausp siya at inaabangan ko lagi siya. At narealize kong kausap lang din
pala talaga ang kailangan ko. Minsan nga, hiniling ko na sana magkaroon ng
buhay ang mga unan ko para may maiiyakan ako, mayayakap, masasabihan ngunit yun
ay imposible. Marami nga akong kaibigan
pero hindi ko naman makausap ng tungkol sa mga heartaches ko at kung anu-ano,
kilala kasi nila ako bilang isang masiyahin, palabiro, palatawa, full of energy
na tao. Pero yun nga ang personalidad na sila rin ang bumuo. Gusto ang karakter
ko na yun, pero hindi lang dun natatapos ang buhay. Meron ding masama,
kalungkutan, pagkabigo, pagkapagod at pagkasawa, mahinang personalidad. At
hindi nila maintindihan. Kaya naman tuwang tuwa ako ng may nakausap akong tulad
ko naman pala. Pero, ilusyon ko lang pala yun. At heto, bumabalik na naman ako
sa paglikha ng sariling katahimikan sa loob ng bahay pero anong nangyari, may
hadlang parin.Pilit kong nilalabanan. Hindi ako duwag at hindi ako mahina. Ano
ba? Sarili ko nalang ang kakausapin ko? Tatanggapin ko nalang lahat ito. Pero
hindi ko kaya ito mag-isa. May mga nagmamahal "daw" sakin pero bakit
hiindi ko maramdaman, asan na kayo? Puro panandalian lang din ang binibigay
niyo, at nawawala din naman kayo.
Solusyon ang hinahanap ko, at pag-unawa hindi pagka-awa.